Saturday, June 26, 2010

Bayan Ng Pilipinas, Bayan Ng Kasinungalingan

Palalayain ka ng katotohanan. Ito ay ating madalas sabihin. Hustisya, ang parati nating idinaraing at ipinaglalaban. Halika’t balikan natin ang kasaysayang atin.

Noong una pa ma’y wala ng pagkakaisa … bara-baragay ang sistema. Nagpapalakasan, nagpapagalingan … gustong mahigitan ang isa. Sa pagdating ng mga kastila, tayo’y “binago.” Meron na tayong pamahalaan, pamahalaang ganid, sakim at mapang-api! Indio, illustrado … iisa lamang ang pinagkaiba, ang antas ng pamumuhay. Parehong Pilipino ngunit parehong may hidwaan. Dumating ang mga kano, ngunit isa pa lang malaking kasinungalingan! Akala nati’y darating upang tayo’y tulungan ngunit sa totoo ay binili tayo pagkatapos sa ating tatlong daang taong pagkaapi. Sinakop tayo ng mga Hapon … ngunit di katulad ng mga nauna, tayo’y galit sa ating kapwa Asyano. Bumalik muli ang mga puti at nagbigay “tulong.” Tulong na kapalit ay panghabambuhay ng pagiging tuta ng kanilang bansa.

Tayo nga’y malaya ngunit di tuluyan. Taglay pa rin natin ang pinamanang inggit ng mga ninuno, korapsyon ng mga Kastila at pang-iisa ng mga puti. Masmaganda pa nga ang ibinahagi ng mga Hapon … disiplina, pagmamahal sa bayan at karangalan. Isa tayong malaking kasinungalingan! Sinasabi nating tayo’y malaya ngunit hinahagkan at hinahalikan pa rin natin ang mga paa ng mga mananakop. Nabigo si Simon na lipunin ang mga duwag at magsimula ng bagong dugo. O’ Simon, bumalik ka at ngayong ka kailangan ng bayan mong irog! Tunay ngang palalayain tayo ng katotohanan … ito ang katotohanan ngunit patuloy tayong nagbubulagbulagan, di tayo malaya dahil patuloy pa rin tayong nababalot ng kasinungalingan. Ang mga alipin ay patuloy lamang mag-aanak ng mga alipin! Pilipinas … bansang alipin … bansa ng kaduwagan … bayan … ng kasinungalingan!

8 comments:

  1. wow lalim na tagalog... I did not know makata ka pala... Naway dumating ang panahon na ating makamit ang tunay na kalayaan na hinahangad ng bawat pilipino....

    ReplyDelete
  2. Hangga't hindi nau-ungkat ang katotohanan, hindi tayo makakalaya mula sa lusak ng pagdurusa na ipinamana sa atin ng ating mga kalahing pilipino... XD hindi lang pala english ang nakaka-nosebleed, hehehehe pati din pala deep tagalog haha

    ReplyDelete
  3. as long as walang matapang para baguhin ang lahat hindi naten makukuha ang kalayaan na dapat ay matagal ng na sa atin.. kung puro takot ang papairalin naten walang mangyayari sa bansang pilipinas!

    ReplyDelete
  4. I might be off topic here but I don't like it when the government only does something to make themselves look cool.
    "Hey, I made this overpass. It has my name on it."
    It's so dumb...
    I'll be more impressed if they vacuumed Pasig river or something.

    Anyway, yeah. Our country is pretty messed up.

    ReplyDelete
  5. Sana itong blog na ito ay magig instrumento para bumago ang PILIPINAS at makaiwas sa mga kasarinlan!

    ReplyDelete
  6. hahahaha..... grabe.... nagiging makata na rin kayo

    ReplyDelete
  7. YAH tama sana ang mga Pilipino hindi nila isipin na inferior sila sa ibang lahi dahil alam naman natin na tayo ay maipagmamalaki kahit saan mang sulok ng mundo.

    ReplyDelete